...

ANG BUHAY

Written by Phil Carlo

I

Sa’king pag iisa isip ko’y naglalakbay
Walang kabuluhan itong buhay
Tulad ng isang bulaklak buhay ay kukupas
Di magtatagal at lilipas
 

II

May panahon ng pagsilang
May panahon ding papanaw
Panahon ng pagsaya at kalungkutan
Kung wala Siya walang magagawa
Diyos ang may bigay nitong buhay
 

Koro:

Ang buhay mo at ang buhay ko
Hiram lamang ito sa Diyos na mahal tayo
Kaya’t ang buhay mo at ang buhay ko
Ialay sa kanya ng buong puso
 

III

Sa panahon ng pagpanaw
Di mo na matatanaw
Ang paglubog ng araw
Di mo na matatanaw mga punong sumasayaw
Ibong nagpupuri sa Maykapal
 

Koro:

Ang buhay mo at ang buhay ko
Hiram lamang ito sa Diyos na mahal tayo
Kaya’t ang buhay mo at ang buhay ko
Ialay sa kanya ng buong puso
 
(Instrumental)
 

Koro:

Ang buhay mo at ang buhay ko
Hiram lamang ito sa Diyos na mahal tayo
Kaya’t ang buhay mo at ang buhay ko
Ialay sa kanya ng buong puso
 

YOU CAN VISIT AND STREAM HERE:

© Copyright 2024. by PHIL CARLO

Seraphinite AcceleratorOptimized by Seraphinite Accelerator
Turns on site high speed to be attractive for people and search engines.