...

Ang Buhay – Kwento sa Likod ng Aking Unang Awit

“Ang Buhay” — ito ang pinakauna kong kantang naisulat. Year 2009 pa ‘to. College ako noon. Isang binatang nalilito, naghahanap ng direksyon, at nag-iisip kung ano nga ba ang magandang gawin sa buhay.

Wala pa akong alam sa future, parang naglalakad sa dilim. Alam mong pwede kang umusad, pero hindi mo alam kung saan ka papunta.

That one afternoon, hawak ko ang gitara ko habang nakaupo ako sa San Andres Church — doon ako nakatira noon. Tahimik lang ako. Nakatingin sa salamin. Sa ganung moment, bigla kong naalala ang isang Bible verse:

Ecclesiastes 3:1–9 (Tagalog)

“May takdang panahon para sa lahat ng bagay sa daigdig:
panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay,
panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim,
panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling,
panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo,
panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa,
panahon ng pagdadalamhati at panahon ng pagsasayaw,
panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon ng mga bato,
panahon ng pagyakap at panahon ng pag-iwas sa pagyakap,
panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala,
panahon ng pag-iingat at panahon ng pagtatapon,
panahon ng paglalaglag at panahon ng pagtahi,
panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita,
panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi,
panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.

Ano ang mapapala ng tao sa lahat ng kanyang pinagpapaguran?”

Dito nagsimula ang unang linya ng kanta:
“Sa’king pag-iisa, isip ko’y naglalakbay. Walang kabuluhan itong buhay…”

Ramdam ko noon ang katotohanan: Anong silbi ng buhay kung hindi ito iaalay sa Diyos?
Gaya ng bulaklak, ang buhay natin ay kukupas, lilipas. Darating ang panahon ng saya, lungkot, simula, at pamamaalam. Kaya kung wala Siya, wala talagang saysay ang lahat.

Ang proseso ng pagsulat?

Honestly, mabilis ko lang natapos ang lyrics. Parang bumuhos lang lahat. Naniniwala akong iyon ay dahil sa Banal na Espiritu na siyang nagbigay ng inspirasyon sa akin. May panalangin pa nga ako noon:

“Lord, sana matuto akong tumugtog, makagawa ng awitin para sa Iyo.”

At sinagot Niya iyon.

Pero hindi ko agad na-record…

Dahil hindi naman ako marunong kumanta, naitago lang muna ang kantang ito sa loob ng maraming taon. Pero fast forward to 2024, finally — na-record na rin ang kantang ito!

Sa tulong ng isang kaibigan sa pananampalataya na si Jay Montera, nabigyan ng bagong buhay ang awit na matagal ko nang isinulat. Grabe. Ang sarap pakinggan. Ang sarap balikan.

15 years later.

Mula 2009 hanggang 2024, ngayon ko lang talaga naeenjoy ang kanta. 15 years bago ko narinig ang bunga ng panalangin ko noon. Minsan ganun talaga — may tamang panahon ang lahat.

Kung may mapupulot ka sa kwentong ito, sana ito ‘yon:

Ang buhay natin ay hiram lang sa Diyos. Siya ang may bigay nito, at Siya rin ang may plano kung paano ito dapat gamitin.

Pero hindi sapilitan. May free will tayo. Pwede nating ialay, gamitin, at ialay muli ang buhay natin sa paraang ikalulugod Niya.

At ngayon…

Masaya ako dahil ginagamit ako ng Diyos sa paggawa ng mga kanta para sa Kanyang kaharian. Hindi ako perfect, pero ginagamit ako.

At kung nababasa mo ‘to ngayon, baka ikaw din? Baka may nais gawin ang Diyos sa iyo — sa talent mo, sa kwento mo, sa buhay mo.

Kaya habang may panahon pa, iaalay mo na ba ang buhay mo sa Kanya?

© Copyright 2024. by PHIL CARLO

Seraphinite AcceleratorOptimized by Seraphinite Accelerator
Turns on site high speed to be attractive for people and search engines.